Isang pulis na naka-assign sa Laguna Police Provincial Office ang sinibak sa pwesto matapos mapatunayang sangkot sa isang insidente ng panghoholdap noong 2024.
Sa isang pahayag, sinabi ni Gen. Brigido Dulay, Chief Inspector ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP), na inirekomenda na niya kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na i-dismiss ang nasabing patrolman na hindi pinangalanan.
Ito'y matapos mapatunayan na kasama ang nasabing patrolman sa tatlong lalaki na nangholdap umano sa isang sibilyan sa Barangay Western Bicutan, Taguig City noong June 2024.
Ayon sa ulat ng mga lokal na awtoridad, sakay umano ng dalawang motorsiklo ang mga suspek nang tutukan nila ng baril ang biktima at sapilitang kunin ang pera at cellphone nito.
Nakahingi naman agad ng tulong ang misis ng biktima sa mga barangay tanod, dahilan upang masukol ang mga suspek.
Sa pag-iimbestiga ng IAS, natuklasan na ginamit pa ng suspek na pulis ang kanyang PNP-issued firearm sa krimen.
“The IAS is steadfast in ensuring that rogue cops are removed from the service. This kind of criminal behavior is precisely what damages public trust in the PNP,” ani Dulay.
(Ulat mula sa Philippine News Agency)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews