Pulis at Quezon LGU, magkatuwang sa peace and order
Police efforts

Pulis at Quezon LGU, magkatuwang sa peace and order

Feb 6, 2026, 7:00 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

LUCENA CITY- "Hindi kailangan maging Hepe para maging mabuting manggagawa ng Gobyerno."

Ito ang pahayag ni Quezon Governor Angelina "Doktora Helen" Tan sa isinagawang Traditional New Year's Call to the Governor ng liderato ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) kamakailan.


Tampok sa pagtitipon ang presentasyon ng mga operational at administrative accomplishments ng QPPO, kasunod ang pahayag ng Punong Panlalawigan ng buong suporta at pasasalamat sa dedikasyon ng Quezon Police Force.


Pinuri ni Tan si QPPO Provincial Director P/Col. Romulo Albacea sa patuloy na mga hakbang nito upang makamit ang peace and order sa lalawigan.


Dagdag pa ng gobernadora na sa kabila ng mga hamon noong nakaraang taon, nanatiling epektibo at maayos ang pagpapatupad ng mga hakbang para sa seguridad at kapayapaan sa Quezon.


Sa pagpasok ng 2026, hinikayat niya ang kapulisan na ipagpatuloy ang tapat na paglilingkod upang manatiling matiwasay ang lalawigan para sa lahat ng mga Quezonin.


Samantala, sa pamamagitan ng New Year’s Call, muling pinagtibay ng QPPO ang kanilang pangako sa responsive policing at matatag na pakikipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan para sa kapayapaan at kaayusan ng Quezon.


(Ulat ni Ace Fernandez)




We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.