Sinalubong ng mga iskolar ng Xavier Technical Training Center ngayong Miyerkules, July 8, hindi lang ang kanilang pagtatapos kundi ang simula ng bagong yugto nila sa buhay.
Ito ay matapos magsagawa ng Toolkit Giving ang lokal na pamahalaan ng Cabuyao sa pangunguna ni Mayor Dennis Hain para sa mga nagtapos ng Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II.
Kasama sa nasabing toolkit ang isang welding machine toolkit upang matulungan ang mga naturang iskolar sa tatahakin nilang landas sa larangan ng welding.
Ayon sa Public Empleyment Service Office (PESO) Cabuyao, humigit-kumulang 50 graduates ng SMAW NC II ang nakatakdang mabigyan ng nasabing toolkit bilang puhunan sa kanilang kinabukasan.
“Isang konkretong hakbang upang maipamalas ang kanilang natutunang kasanayan at makapagsimula ng mas magandang kinabukasan,” pahayag ni Cabuyao PESO head Karlo Hain.
Kabilang ang batch na ito sa mga kasalukuyang programa na isinusulong ng PESO Cabuyao at Xavier Technical Training Center upang mabigyan ng libreng skills training at toolkit ang mga residente ng Cabuyao.
Pangako naman ni Mayor Hain na patuloy nilang paiigtingin ang mga TechVoc courses sa lungsod para madagdagan pa ang dami ng mga taong aasenso sa buhay at maabot ang kanilang pangarap.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

