Pang-international na talaga ang husay ng mga San Pedrense!
Isa na namang residente ng San Pedro, Laguna ang nagbigay-karangalan sa lungsod at sa bansa.
Ito ay matapos gawaran bilang “Best Actor” si Christopher Roxas sa ginanap na International Film Festival Manhattan (IFFM) 2025 noong October 9 sa New York City, U.S.A.
Ang pagkilala ay para sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang “Haligi” na produksyon ng CEBSI Films.
Dahil dito ay umani rin ng papuri ang aktor mula sa lokal na pamahalaan ng San Pedro sa pangunguna ni Mayor Art Mercado.
Personal siyang binati upang handugan ng isa pang pagkilala mula naman sa Sangguniang Panlungsod.
Binibigyang halaga nito ang dinala niyang karangalan para sa lungsod ng San Pedro.
Nagmula sa Barangay Calendola at isang almnus ng Sampaguita National High School si Roxas o Jean Christophe Sommereux sa totoong buhay.
Una siyang nakilala noong 1992 sa teleseryeng “Mara Clara”, kung saan nakatambal niya ang misis kinalaunan na si Gladys Reyes.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #IFFM #ChristopherRoxas

