Personal na inilatag ni 4th District Representative Helen Tan ang kanyang mga plano sa pagpapaunlad ng Maria L. Eleazar General Hospital ng Tagkawayan, Quezon sa kaniyang pagbisita nitong nakaraang Martes (January 25)
TAGKAWAYAN, Quezon – Personal na inilatag ni 4th DistrictRepresentative Helen Tan ang kanyang mga plano sa pagpapaunlad ng Maria L. Eleazar General Hospital sa bayang ito sa kanyang pagbisita nitong nakaraang Martes (January 25).
Nakasama ni Tan sa kanyang pagpunta sa nasabing ospital ang ilang panauhin mula sa Department of Health (DOH) at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Matapos ang pagpaplano, binisita rin nila ang site na pagtatayuan ng Super Health Center.
Kabilang sa mga dumalo sina Vice Mayor Danny Liwanag, Municipal Engr. Jose Aguino, MPDC Engr. Francis Villanueva, Doc. Rey Florido, Dr. Bob Remo, at Dr. Raymond Gonzales.
(Larawan mula sa Tagkawayan Teleradyo)
#tagkawayanquezon #QuezonNews #opinyonnews #opinyonquezon