PATNANUNGAN, Quezon — Pinangunahan ni Quezon Governor Angelina "Doktora Helen" Tan ang pakikipagpulong sa lokal na pamahalaan ng Patnanungan noong April 10 bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa isla.
Nakiisa sa isinagawang pagbisita ang mga lokal na opisyal ng Patnanungan at ang Director ng Quezon Police Provincial Office na si P/Col. Romulo Albacea na sama-samang nag-inspeksyon at nakipag-ugnayan sa mga residente.
Layunin ng nasabing hakbang na higit pang pagtibayin ang kampanya laban sa ilegal na droga at palakasin ang ugnayan ng pamahalaan at komunidad.
Sa isinagawang pulong, tinalakay ang mas mahigpit na pagpapatupad ng batas kontra ilegal na droga, kasabay ng pagpapalawak ng kaalaman at kamalayan ng mga residente hinggil sa masamang epekto nito.
Binigyang-diin ng pamahalaan ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng mamamayan upang mapanatili ang katahimikan at seguridad sa kanilang lugar.
Ayon sa mga opisyal, ang ganitong hakbang ay mahalaga upang matiyak ang tuloy-tuloy na kapayapaan, kaligtasan, at kaayusan sa Patnanungan para sa kapakinabangan ng lahat ng mamamayan.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

