Pinaigting na anti-crime ops sa Calabarzon
PNP

Pinaigting na anti-crime ops sa Calabarzon

Dec 18, 2025, 3:51 AM
Jane Hernandez

Jane Hernandez

Contributor

Nakahanda na ang buong pwersa ng Calabarzon Police Regional Office (PRO) sa inaasahang muling pagtaas ng kaso ng krimen sa rehiyon habang papalapit ang Pasko at Bagong Taon.

Kaugnay nito, inihayag kamakailan ni Calabarzon PRO Regional Director P/BGen. Paul Kenneth Lucas na mas pinaigting pa nila ang kanilang operasyon laban sa kriminalidad sa rehiyon.


Sa inilabas na ulat ng Calabarzon PRO, nagsagawa ang regional police ng 963 anti-illegal drug operations sa buong rehiyon nitong buwan ng Nobyembre.


Nagresulta ang nasabing mga operasyon sa pagkakahuli ng 788 na hinihinalang mga tulak ng iligal na droga at pagkakasabat ng 1,538.71 gramo ng shabu, 2,248.77 gramo ng marijuana, at 13,602.86 gramo ng kush na may kabuuang halagang ₱31,137,370.


Umabot naman sa 120 operasyon ang naisagawa sa ilalim ng kampanya laban sa iligal na baril, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 79 katao at pagkakasabat ng 197 na armas.


Tiniyak ni Lucas na patuloy ang maigting na kampanya ng PRO-4A upang mapanatiling ligtas at payapa ang komunidad, lalo na ngayong holiday season.

Photo Courtesy: Police Regional Office 4A FB Page

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #PNP #PoliceOperations


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.