Pilot face-to-face classes sa 5 pampublikong paaralan sa Quezon, nagsimula na
Quezon

Pilot face-to-face classes sa 5 pampublikong paaralan sa Quezon, nagsimula na

Nov 24, 2021, 6:10 AM
Annadel Gob

Annadel Gob

Writer

Matapos ang mahigit isang taong distance learning hatid ng Covid-19 pandemic, sabik na sabik ang mag-aaral at mga guro sa muling pagbubukas ng mga paaralan para sa pilot testing ng face to face classes.

Kasiyahan at pananabik ang namayani sa mga mag-aaral ng limang paaralan na lumahok sa pilot face-to-face classes sa Quezon province nitong Lunes (Nobyembre 15).

Kabilang dito angTamulaya Elementary School sa Polillo, Lagmak Elementary School, Lumutan Elementary School,Dinigman Elementary School sa General Nakar at Pablo D. Maningas National High School sa Quezon, Quezon.

Sabik na nagsibalik ang 11 kinder, 39 na primary pupils, at mga guro sa Dinigman Elementary School, General Nakar.

Apat na guro ang magtuturo sa nasabing paaralan kung saan 68 porsiyento ng mga mag-aaral ay kabilang sa mga indigenous peoples (IPs).

Ito ang unang beses na nakapag-aral sa mga classroom ang mga estudyante matapos ang higit isangtaong distance learning bunsod ng Covid-19 pandemic.

Pagpasok ng mga estudyante sa Dinigman Elementary School, dumaan sila sa temperature check, health declaration sa pamamagitan ng QR code, at handwashing facility.

Magkakahiwalay ang upuan ng mga estudyante sa mga silid-aralan at nakasuot sila ng mga face mask at shield.

Ang mga estudyante ay tatagal lamang ng tatlo hanggang apat na oras na pagpasok sa paaralan.

#DepEdQuezon #opinyonquezon #opinyonnews #QuezonNews #QuezonProvince


More about Quezon

Quezon LGU, naglabas ng guidelines para sa Alert Level 3

Quezon LGU, naglabas ng guidelines para sa Alert Level 3

a day ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2022 OpinYon News. All rights reserved.