Panelo Said
Panelo said

PH taking Japan’s terror attack warning seriously

Sep 18, 2021, 4:38 AM
Attorney Salvador Panelo

Attorney Salvador Panelo

Author

Counterpoint on High number of cases prompts gov’t to put NCR under Alert Level 4, Adjusted curfew hours; new protocols, New SC Associate Justice Japar B. Dimaampao, Boracay Task Force extended to 2022 and on PH taking Japan’s terror warnings seriously

(Compiled by OpinYon Researcher Inalou Facun, based on "Counterpoint" September 17, 2021 episode)

High number of cases prompts gov’t to put NCR under Alert Level 4

“Alam niyo po ba na 28 percent ng new Covid-19 cases nationwide eh nai-record na galing dito sa National Capital Region mula noong Setyembre 6 hanggang Setyembre12.”

“Sang-ayon sa DOH [Department of Health], ang average daily reported cases 20,959 at ito po ay lubhang mas mataas kumpara sa nakaraang linggo ng Agosto 30 hanggang Setyembre 5.”

"Kaya ang NCR ngayon ay nasa high risk case classification."

Adjusted curfew hours; new protocols

“Angnapagkasunduan ng mga alkalde ng Metro Manila, iyon pong curfew natin alas-diyes na ng gabi hanggang alas-kuwatro ng madaling araw .”

“At tayo ay nasa Alert Level 4, ang mga restaurant ay nagbukasna at may puwede ng kumain sa loob at iyong iba naman ay sa labas.”

“Nagbukas na rin ang mga barberya at mga spa.”

“Sa pagbubukas at pagluluwag po natin ay maaaring kumite ang ekonomiya ang P118 million kada linggo.”

New SC Associate Justice Japar B. Dimaampao

“Ito pong si Justice Japar B. Dimaampao ay nag-take ng oath of office kay Chief Justice Alexander G. Gesmundo noong Martes na sinaksihan ng kanyang may-bahay na si Maria Gina Perez Villapañe.”

“So, congratulations Associate Justice of the Supreme Court Japar Dimaampao!”

Boracay Task Force extended to 2022

“Alam niyo ba na iyong Boracay Agency Task Force na nilikha ni Presidente ay pinalawig pa ang buhay hanggang Hunyo ng susunod na taon sapagkat marami pa talagang kailangang gawin para maibalik ng tuluyan ang ganda ng nasabing isla.”

PH taking Japan’s terror warnings seriously

“Meron ibinigay na babala nang pag-iingat ang Japan Embassy dahil may impormasyon sila sa maaaring posibleng pagsalakay ng mga terorista sa isa sa mga anim na bansa dito sa Southeast Asia.”

“Sa isang pahayag pinayuhan ng Japanese Embassy ang kanilang mga mamamayan na lumayo sa mga matataong lugar gaya ng mga religious gathering dahil sa panganib ng maaaring paghahasik ng lagim ng mga terorista.”

“Kaya naman kumilos agad ang ating kapulisan sa pamumuno ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar at patuloy po silang nakikipag-ugnayan sa military upang siguruhin ang kaligtasan ng ating mga mamamayan.”

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.