Panelo Said
Panelo said

PH progressing very well in its Covid-19 vaccination program

Jul 9, 2021, 6:17 AM
Attorney Salvador Panelo

Attorney Salvador Panelo

Author

Counterpoint on More Pinoys willing to be vaccinated, 33-M Filipinos have signed up for vaccination and on 2-M fully vaccinated

(Compiled by OpinYon Researcher Inalou Facun, based on "Counterpoint" July 07, 2021 episode)

More Pinoys willing to be vaccinated

“Base sa mga survey, maraming mga Pilipino na ang positibo ang reaksyon sa pagbabakuna laban sa coronavirus.”

“Isa rito ang online survey ng data analytics and public relations company ng blueprint.ph sa Facebook noong June 21.”

“Lumabas 54% raw ng Pilipino ang pinindot ang like sa labing dalawang libong post noong Enero. At ang bilang ay umakyat sa 76% noong Hunyo.”

“Ibig sabihin iyong like reactions sa bakuna eh nadagdagan sa loob ng anim na buwan.”

“Nagpapakita raw po ito na talagang lumalakas ang positibong sentiment sa mga Pilipino diyan po sa bakuna.”

33-M Filipinos have signed up for vaccination

“Samantala, ibinalita ng DILG na mahigit sa 33 milyong Pilipino ang nagparehistro sa mga LGUs upang magpabakuna.”

“At ito’y resulta ng pag-uugnayan ng gobyerno at ng pribadong sektor na bigyan ng impormasyon at kampanya pati na yung mga malikhaing pamamaraan na ginagawa ng mga LGUs upang mahikayat na pumirma ang mga mamamayan para magpabakuna.”

“At sabi ni Interior Sec. Ed Año, itong mga LGUs eh maraming mga innovation na ginagawa at mukhang nagpapaligsahan sila sa paghihikayat sa mga sinasakupan nila na magpabakuna.”

“At ang private sector, sa pamamagitan ng Task Force 3T’s (Test, Trace and Treat) eh naging matulungin upang mapaakyat yung programa ng bakuna sa ating bansa.”

“Ito kasing Task Force 3T eh nakikipagugnayan sa mahigit na 200 pribadong establisyemento upang mag-alok ng mga discounts at exclusive freebies doon naman sa mga nakatanggap na ng mga bakuna.”

2-M fully vaccinated

“Iyon pong latest data ng National Task Force Record lumalabas na 8,839,124 na mamamayan ang nakatanggap na nang kanilang first dose samantalang 2,868,905 naman ang fully vaccinated as of July 04.”

“Sa nakalipas ng labing-walong linggo ng programa ng pambansang programa natin sa bakuna eh nakaabot na po tayo ng mataas na bilang na 1,778,989 doses ang naiturok na.”

“Ang average po nating bakuna sa nakaraang pitong araw eh nasa 254,141 doses at 1,197,000 average number ng active reporting vaccination sites.”

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.