Panelo Said
Panelo said

People want Duterte-Duterte tandem

Jul 17, 2021, 3:56 AM
Attorney Salvador Panelo

Attorney Salvador Panelo

Author

Counterpoint on NCR could reach ‘population protection’ goal by September, Travel ban enforced on Indonesia, Website launched for Digong’s last SONA and on Support for ‘Duterte-Duterte’ tandem

(Compiled by OpinYon Researcher Inalou Facun, based on "Counterpoint" July 16, 2021 episode)

NCR could reach ‘population protection’ goal by September

"Sinasabi ng OCTA Research, ang pangangalaga ng populasyon [population protection] ng National Capital Region ay maaring makamit po natin sa Setyembre sapagkat ito ang binibigyan ng priority ng ating pamahalaan."

"Ang NCR plus 8 areas eh kasama po iyan sa vaccination program ng ating gobyerno."

"Kung tuloy-tuloy yang NCR plus 8 ang sabi ng Octa Research, ang projection is by September-October maabot na natin yan population protection."

Travel ban enforced on Indonesia

"Iyon pong travel ban nga pala meron na naman idinagdag na bansa at ito nga po ay Indonesia dahil nga dito sa Delta variant. So iyon pong mga galing sa Indonesia, pagbabawalang makapasok sa bansa mula sa Hulyo 16 hanggang Hulyo 31."

Website launched for Digong’s last SONA

"Alam niyo ba na itong House of Representatives naglungsad po noong Miyerkules ng isang website? Ito ay magsisilbing guide ng publiko upang i-verify nila yung importanteng inpormasyon kaugnay sa mga magiging pahayag ni Presidente Rodrigo Roa Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA)."

"Sang-ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco iyong bagong website ay iniaalay para sa SONA information at ito’y magkakaroon ng mga bagong balita mga update kaugnay ng kanyang SONA ang kanyang ika-anim at ika-huli at ito po ay sa Hulyo 26."

"At yung microsite ng official website po ng Congress ito, http://www.congress.gov.ph/sona2021 ito ay magsisilbing repository ng mga relevant data kaugnay sa gagawing talumpati ni Presidente Duterte sa July 26."

Support for ‘Duterte-Duterte’ tandem

"I talked to both of them ha, kay Mayor Sara at Presidente Duterte."

"Sabi ko, kayo talaga ang gusto ng tao. Hindi kayo maasiwa kung tumakbo kayong tandem."

"Ang feeling kasi ng mga kritiko ay sinisira natin ang argumento nila na bakit naman kayong dalawa?"

"Eh pareho kayong taga Davao? Mag-ama pa kayo, wala na bang iba?"

"Sa totoo lang, ang mga Pilipino, wala silang kiber, walang pakialam kung saang lupalop kayo nanggaling."

"Ang tinatanong lang sa inyo kung kayo ba ay kakandidato bilang presidente o bise-presidente, at kung mananalo ba kayo ay maglilingkod ba kayo sa amin ng tapat?"

"Iyan lang ang tanong ng mga botante."

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.