Penalty sa bill at minimum charge, tinanggal ng LARC
water services

Penalty sa bill at minimum charge, tinanggal ng LARC

Jun 20, 2024, 7:07 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Tila ba sinusubukang bumawi ng Laguna Water District Aquatech Resources Corporation (LARC) at ng Laguna Water District (LWD) sa mga residente ng Bay, Laguna matapos mapuno ang lokal na pamahalaan at ng mga mamamayan nito sa kanilang serbisyo.

Sa isang post ng naturang LGU, inanunsyo nito na sinususpinde na ng LARC ang pagpapataw ng minimum charge, disconnection kapag hindi nakabayad, at pagpataw ng late payment fees sa lahat ng mga konsuymer na apektado ng water interruption.

“As dedicated stakeholders within our community, we are deeply committed to safeguarding the welfare and interests of our fellow kababayans, pahayag ng LWD sa isang liham na ipinadala kay Bay Mayor Jose Padrid.

“Ito ay bunga ng pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Bayan ng Bay sa pamunuan ng LARC/LWD," komento naman ng pamahalaang bayan ng Bay sa naturang post.

Sa kabila nito, nagpahiwatig ang lokal na pamahalaan na hindi nito iaatras ang reklamo na isinampa nito sa Local Water Utilities Administration (LWUA) laban sa LARC noong May 30 ukol sa naturang isyu.

“Ipagpapatuloy naman natin ang ating hakbang na idinulog sa Local Water Utilities Administration (LWUA) hanggang sa makamit natin ang pangmatagalang solusyon sa krisis na ating kinakaharap," dagdag ng LGU.

#WeTakeAStand #OpinYon #LARC #LWUA #WaterService


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.