PAYOUT NG SENIOR PENSION SA BIÑAN CITY.
OpinYon Laguna

PAYOUT NG SENIOR PENSION SA BIÑAN CITY.

Jan 2, 2026, 5:58 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Naging maligaya ang Pasko ng mga senior citizen na tumanggap ng kanilang mga pensyon sa dalawang-araw na payout ng local senior pension sa Biñan City, Laguna nitong December 20 at 21.

Pinangunahan ni Mayor Gel Alonte (gitna) at ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang dalawang-araw na payout para sa local senior pension sa Alonte Sports Arena, kung saan umabot sa 24,814 seniors ang nakatanggap ng kanilang pensyon na aabot sa P3,000. Ang local senior pension program na ginawang ordinansa noong 2021 ay isa lamang sa mga programa ng pamahalaang lungsod ng Biñan na naglalayong matulungan ang mga senior citizen ng lungsod sa kanilang mga gastusin sa pagkain, gamot at iba pang pangangailangan.

(Larawan mula sa Biñan City Information Office)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.