‘Paskuhan sa Biñan’: pagdiriwang ng kultura at kasaysayan
Celebrations and Festivals

‘Paskuhan sa Biñan’: pagdiriwang ng kultura at kasaysayan

Dec 2, 2024, 1:28 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Gaya ng inaasahan, isang buwang puno ng pagtatanyag sa lokal na kultura ang ihahatid ng pamahalaang lungsod ng Biñan, Laguna para sa “Pasko sa Biñan 2025” ngayong buwan ng Disyembre.

Tiniyak ng Biñan City Culture, History, Arts and Tourism Office (BCHATO) na maaaliw ang mga Biñanense at turista sa iba't ibang mga programang kultural na hatid ng iba't ibang mga talento upang ipagdiwang ang masayang panahon ng Kapaskuhan.

Simula December 1, iba't ibang mga grupong kultural ang magpapakitang-gilas sa "Pasko Konsiyerto" sa Plaza Rizal.

Kasama rito ang Biñan Kawayan Music Ensemble (December 1); Biñan Vocal Ensemble (December 7 hanggang 8, sa Historic Alberto Mansion); Biñan Symphonic Rondalla (December 15); Biñan Metropolitan Chorus (December 21); at Biñan Folkloric Dance Troupe (December 28).

‘Paskuhan sa Biñan’: pagdiriwang ng kultura at kasaysayan

‘Paskuhan sa Biñan’: pagdiriwang ng kultura at kasaysayan

Samantala, upang magbigay-aliw sa mga Katoliko na tutupad sa kani-kanilang mga panata sa Simbang Gabi, magpapatugtog sa iba’t ibang mga simbahan sa lungsod ang Biñan City Brass Band mula December 16 hanggang 24.

Bukod dito ay magtatanghal ang Biñan Youth Performance Council ng "Pasko Teatro: Mga Kwentong Buhay sa Harap ng Telon X" mula December 12 hanggang 15 sa Sentrong Pangkultura ng Biñan.

Mayroon ring isasagawang "Paskong Pasiklab: Inter-school Dula Sayawit Competition" sa December 22, kung saan magpapakitang-gilas ang mga mag-aaral ng iba't ibang paaralan, habang sa December 21 naman gaganapin ang 5th Pasko sa Biñan Choral Fiesta na pagbibidahan naman ng iba't ibang choral groups sa lungsod.

Pagdating naman ng December 30 (Rizal Day) ay muling isasapuso sa mga kabataang Biñanense ang buhay at aral ng pambansang bayani sa pamamagitan ng "Batang Rizal sa Biñan Declamation Contest" sa School of Biñan Site and Museum.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #PaskoSaBiñan2025 #ChristmasCelebration #BiñanLGU


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.