Parusa sa paglabag sa traffic scheme sa Lucena City
Quezon

Parusa sa paglabag sa traffic scheme sa Lucena City

Feb 18, 2026, 8:07 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

May kakaharapin nang parusa ang mga motoristang lalabag sa ipinatutupad na traffic rerouting scheme sa Lucena City.

Layunin ng bagong patakaran na ipinatupad sa bisa ng City Ordinance No. 2915 na mapabuti ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan ng lungsod.

Ayon sa ordinansa, ang mga mahuhuling lalabag sa mga itinakdang one-way signage, kabilang ang counterflow, pagpasok sa “No Entry” na kalsada, at maling pagparada ay papatawan ng sumusunod na parusa:

  • Unang Paglabag: Sulat na Babala (Written Warning)
  • Ikalawang Paglabag: Serbisyo sa Komunidad at Multang P200
  • Ikatlo at Sumusunod na Paglabag: Serbisyo sa Komunidad at Multang P400 bawat pagkakataon

Sakop ng rerouting scheme ang mga kalsadang Quezon Avenue, Perez Street, Merchan Street patungong Market View hanggang Dumacaa River at Gomez St. kung saan kadalasang nagkakaroon ng mabigat na trapiko.

Pinapaalalahanan ng lokal na pamahalaan ang publiko na maging mapanuri sa mga bagong traffic signages at sumunod sa batas-trapiko upang maiwasan ang multa at abala sa biyahe.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.