'Parada sa riles', inalmahan
PNR

'Parada sa riles', inalmahan

Jun 10, 2026, 2:22 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Masaya nga, pero delikado.

Ito ang naging tugon ng Philippine National Railways (PNR) sa naging viral na insidente ng "parada sa riles" sa Barangay San Gregorio, San Pablo City, Laguna kamakailan.


Makikita sa video na ginamit ng mga nagpaparada na may kasama pang banda ang mga makeshift "trolley" na karaniwang ginagamit sa probinsya, lalo na sa mga lugar kung saan walang gaanong biyahe ang PNR.


Ayon sa press statement na inilabas ng PNR, hindi umano pinapayagan ang mga pampublikong selebrasyon tulad ng parada, prusisyon, o anumang pagtitipon sa mismong riles.


Bukod kasi sa nakakaabala ito sa operasyon ng tren ay maaaring magdulot ito ng aksidente.


Gayong limitado ang biyahe ng PNR mula Calamba City, Laguna papuntang Lucena City, Quezon, puspusan ang isinasagawang maintenance activities ng PNR sa riles nito upang masiguro ang kaligtasan ng mga tren na dumadaan dito.


Nagbabala rin ang PNR na posibleng managot ang mga organizer o kasama sa nasabing "parada sa riles."

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #PNR


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.