Para sa mas mabilis na serbisyo
Healthworkers

Para sa mas mabilis na serbisyo

Bagong queuing system sa QMC:

Feb 24, 2026, 7:46 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Personal na nagtungo si Quezon Governor Angelina "Doktora Helen" Tan sa QPHN–Quezon Medical Center upang ipakita sa publiko ang bagong Queuing System Machine na layong magbigay ng mas mabilis, maayos, at episyenteng proseso ng pagpapakonsulta para sa mga Quezonian.

Ayon sa gobernadora, malaking tulong ang makabagong makina upang maging organisado ang pila ng mga pasyente at mabawasan ang siksikan at mahabang paghihintay sa ospital.


Sa pamamagitan ng Queuing System, mas malinaw at sistematiko ang daloy ng serbisyo, partikular para sa mga pasyenteng nagpapatingin at nagpapagamot sa iba’t ibang departamento ng ospital.


Kasabay nito, sinuri rin ni Tan ang mga pinahusay na pasilidad ng QPHN-QMC kabilang ang emergency room at ang bagong dialysis facility, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan na mapabuti ang serbisyong pangkalusugan.


Binigyang-diin niya na prayoridad ng kanyang administrasyon ang kalusugan ng mamamayan, at patuloy na maglalatag ng mga modernong solusyon upang mas mapalapit at mapahusay ang serbisyong medikal para sa lahat ng Quezonin.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #HealthCare


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.