Ang bawat bayong ay nagpapahayag ang sining, ekspresyon at imahinasyon ng isang tao sa pagguhit.
LUCBAN, Quezon - TATLONG taon nang nagbebenta at gumagawa si Jenifer Valde ng tradisyunal na bayong na gawa sa pandan sa bayang na ito.
Ayon sa kanya, ang hilig niya sa pagpipinta ay naging daan upang bigyan ng mas makulay na disenyo ang kanyang mga tindang bayong.
“Noong una for personal use ko lang ang mga bayong na may pinta. Hanggang sa marami ang nakapansin na maganda ang aking mga bayong,” kuwento ni Valde sa Opinyon Quezonin.
Nagsimula ang paggamit ng mga bayong sa bayang ito nang magpatupad ang lokal na pamahalaan ng Lucban noong 2009 ng “zero plastic program.”
Sa ilalim ng isang ordinansa ay nilimitahan ang paggamit at pagbebenta ng mga plastic bag at ipinag-utos ang paggamit ng mga nabubulok na lalagyan.
“Kaya naisipan kong gawing negosyo ang bayong dahil na rin sa pagbabawal ng paggamit ng plastik,” ani Valle.
Sa ngayon, umaabot na aniya hanggang Middle East ang mga bumibili ng kanyang mga bayong.
“Isa rin sa dahilan ng pagiging patojk ng bayong ay dahil ito ay sumisimbolo sa pagiging Pilipino. Kaya kahit nasa ibang bansa, makikilala ang tatak-Lucbanin,” dagdag niya.
Ang bawat bayong ay nagpapahayag ang sining, ekspresyon at imahinasyon ng isang tao sa pagguhit.
“Hindi naman mahirap puminta sapagkat nagkaroon ako ng formal training sa pagguhit. Pag talagang mahal mo ang iyong ginagawa ay dumadali ang paggawa,” kuwento pa niya.
Sa kasalukuyan, si Valde ay patuloy sa kaniyang hobby na pagpipinta habang nag-oonline selling ng makukulay niyang bayong.
Tags: #nativeproducts, #handicrafts, #artexpressions, #environmentprotection