TAGKAWAYAN, Quezon - Inaprubahan ng lokal na pamahalaan ng Tagkawayan ang resolusyon na naglalayong mabigyan ng insurance ang mga Barangay Health Worker, Lupon atmga Tanod noong Biyernes (Enero 7).
Sa ilalim ng naturang resolusyon ay isasama sa savings ng Supplemental Budget ng nakaraang taon ang budget na gagamitin ng lokal na pamahalaan para dito.
Kalakip pa nito ang dagdag pondo para sa Philhealth Benefits ng mga lupon at BHWs at uniporme naman para sa BHERTS (Barangay Health Emergency Response Team).
Ayon naman kay Mayor Carlo Eleazar, ang mga hakbang na ito ay para sa seguridad at kapakanan ng mga taong patuloy na lumalaban at naglalaan ng oras para sa pakikibaka sa nararanasan nating pandemya.
Tags: #tagkawayanquezon, #opinyonquezon, #opinyonnews