Pangil, ‘insurgency-free’ na
Local Government

Pangil, ‘insurgency-free’ na

Jun 24, 2024, 2:19 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Idineklara na bilang isang insurgency-free municipality ang bayan ng Pangil sa Laguna matapos ang mahigit isang taon na walang bayolenteng aktibidad at communist and terrorist presence dito.

Pinangunahan ni Pangil Mayor Gerald Aritao at ng 202nd Infantry Brigade at 1st Infantry Battalion ng Philippine Army ang isang opisyal na deklarasyon ng Stable Internal Peace and Security (SIPS) status sa naturang bayan nitong June 13.

Ayon kay Aritao, umaasa ang lokal na pamahalaan na ang deklarasyong ito ay magbubunga ng dagdag pag-unlad sa bayan at pagpasok ng mga negosyo.

May mga magulang rin mula sa grupong Hands Off Our Children ang nagbahagi ng kanilang mga karanasan at ng kanilang mga anak ukol sa umano'y pagre-recruit ng mga organisasyong kabilang sa CPP-NPA-NDF.

Nagbigay rin ng iba pang serbisyo ang lokal na pamahalaan tulad ng bloodletting, libreng gupit, birth registration, at pamimigay ng libreng seedlings mula sa Municipal Agriculture Office.

Ang Pangil ang ikaanim na munisipalidad ng Laguna na nakakuha ng SIPS status, pagkatapos ng mga bayan ng Nagcarlan, Paete, Kalayaan, Santa Maria at Cavinti.

Photo Courtesy: PIA Calabarzon

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #SIPS


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.