Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antipoda, noong nakalipas na administrasyon ay maliit na bahagi lamang ang ibinibigay na atensyon ng national government para sa pangangalaga sa ating katubigan at kapaligiran.
BINIGYAN diin ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda na ang pangangalaga sa ating kapaligiran at karagatan ay dapat bigyan ng atensyon at halaga.
Ayon kay Antipoda, noong nakalipas na administrasyon ay maliit lamang na bahagi umano ang ibinibigay na atensyon ng national government para sa pangangalaga sa ating katubigan.
Iginiit din niya na totoong nagdeklara na marine protected areas simula pa noong 1970s subalitito’y limitado lamang sa regulation ng fishing, at maliit na bahagi lamang sa polusyon.
Ang pahayag ni Antiporda ay ginawa sa kanyang talumpati sa ginanap na Marine Environment Protection Forum nitong Setyembre 9.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Antiporda na siyang rin Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns na binigyang-atensyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkasira ng Boracay at matapos maging tapunan ng basura ang dagat ng Boracay at naging dahilan ng pagkasira ng isla.
“In the past administrations, relatively little attention was given by the national government to marine life below the surface of the water while it is true that we have declared marine protected areas dating back to the early 1970s, protection was largely limited to the regulation of fishing, with little done against pollution” ayon kay Antiporda.
Ito aniya ang naging dahilan para itayo ni Pangulong Duterte ang Boracay Inter-Agency Task Force na pinamumunuan ng DENR, para muling i-rehabilitate ang Boracay na nasira matapos ang 3 dekada dahil sa mabilis na development nito at turismo dahilan lamang sa kita.
“And so President Duterte created the Boracay Inter-Agency Task Force, headed by the DENR, to rehabilitate Boracay’s environment, which was badly damaged by 3 decades of haphazard development in the rush for tourism profits” dagdag pa ni Antiporda.
Kaugnay nito sinabi pa ni Antiporda nitong Enero 2019 ang Pangulong Duterte ay inuna ang cleanup at rehabilitation ng Manila Bay, na halos mangamoy na ng basurasa kabila ng kautusan ng Korte Suprema nitong December 2008order or writ of continuing mandamus para linisin at muling ibalik ang historic glory ng Manila Bay.
Sinabi pa ni Antiporda na ang paglilinis sa Manila Bay ay hindi lamang sa baybayin lamang kundi kailangan din malinis ang source ng polusyon nito at ang pinagmumulan nito gaya ng mga rivers, esteros at drainage system na napupunta sa ang dumi at liquid waste nito sa baybayin.
Tags: #DepartmentofEnvironmentandNaturalResources, #environmentalprotection, #Boracay, #ManilaBay, #RodrigoDuterte