Huwag gawing pribadong parking ang kalsada.
Ito ang mahigpit na tagubilin ng Lucena Traffic Management and Enforcement Office (LTMEO) kasaby ng paglilinis at pagtanggal nila ng mga improvised roadblock na inilalagay sa mga kalsada ng kalsada.
Karaniwang inilalagay ng mga residente ang nasabing mga harang upang gawing pribadong paradahan o “reserve parking” ang nasabing bahagi ng kalsada.
Sa anunsyo ng LTMEO, muling ipinaalala ng ahensya na mahigpit na ipinagbabawal ang ganitong gawain.
Binigyang-diin ng ahensya na ang mga kalsada ay pampublikong pag-aari at para sa lahat.
Walang sinuman ang may karapatang umangkin, humarang, o magreserba ng bahagi nito para sa pansariling gamit.
Hinihikayat ang lahat ng residente at motorista na sumunod sa batas at makipagtulungan upang mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko at masiguro ang kaligtasan sa ating komunidad.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

