Pagkumpleto sa San Pablo Bypass Road, tiniyak
DPWH

Pagkumpleto sa San Pablo Bypass Road, tiniyak

Jun 23, 2026, 6:47 AM
Christian Magdaraog

Christian Magdaraog

Writer

Tila may sagot na sa panalangin ng mga residente ng San Pablo at karatig lalawigan na mapagaan ang matagal na nilang kalbaryo pagdating sa transportasyon.

Ito ay matapos bumisita si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ngayong Huwebes, June 11, sa nasabing lungsod upang magsagawa ng inspeksyon sa Alaminos-San Pablo City Bypass Road.


Kasama niyang dumalo sina DPWH Regional Director Engr. Carolina Pastrana, Alaminos Mayor Eric Bolado, Vice Mayor Victor Mitra, at San Pablo City Mayor Najie Gapangada Jr.


Matatandaan na inilapit kamakailan ni Gapangada sa mga opisyal ng pamahalaan ang problema ng lokal na pamahalaan sa nasabing proyekto na ilang taon na ring natengga.


Ang naturang bypass road kasi ay malaki sana ang maitutulong upang maibsan ang trapik sa lungsod at magkaroon ng mas mabilis na transportasyon sa Quezon at Bicol.


Naantala ang konstruksyon nito bunsod dahil sa kakulangan umano ng ahensya sa pondo upang maasikaso ang right-of-way nito.


Inaasahan na sa ginawang pagbisita ng kalihim ay mapapabilis na ngayon ang pagtugon sa mga problema nito at tuluyang magamit ang bypass road.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.