Sa bawat batang may cleft lip at cleft palate na muling natutong ngumiti nang buong-buo, malinaw na makikita na ang serbisyong may malasakit ay hindi lamang pangako kundi isinasabuhay.
Ang programang hatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon katuwang ang PAGES Foundation ay patunay na kapag inuuna ang tao—lalo na ang kabataan—nagiging makabuluhan at pangmatagalan ang resulta ng pamamahala.
Mula February 7 hanggang 10, aabot sa 45 na mga batang Quezonin na may cleft lip ang nabigyan ng bagong ngiti matapos silang maoperahan nang libre sa Quezon Medical Center, Lucena City.
Bukod sa operasyon, makapag-uuwi rin sila ng libreng gamot na kinakailangan para sa mas mabilis na paghilom ng sugat at tahi.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga magulang dahil sa bagong ngiti, malinaw na boses, at mas maliwanag na kinabukasan para sa kanilang mga anak.
Hindi ito simpleng medical mission. Isa itong konkretong katuparan ng pangarap ng mga batang matagal nang nabubuhay sa anino ng pangungutya, hirap sa pagsasalita, at kakulangan sa kumpiyansa sa sarili.
Sa isang iglap, nabago ang takbo ng kanilang buhay—mula sa pag-iwas sa ngiti, patungo sa pagharap sa mundo nang may lakas ng loob at pag-asa.
Ito ang klase ng pagbabago na hindi kayang sukatin ng numero, ngunit ramdam sa bawat pamilya at komunidad na naapektuhan.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #PAGESFoundation

