Pag-apruba ng ERC sa mungkahing transmission facility, ipinapanawagan
DOE

Pag-apruba ng ERC sa mungkahing transmission facility, ipinapanawagan

Sep 9, 2024, 6:06 AM
Earl Dick Belardo

Earl Dick Belardo

Writer

Nananawagan ang Laguna Grid Energy Corporation sa Energy Regulatory Commission (ERC) na payagan at aprubahan ang iminungkahing point-to-point limited transmission facility para ikonekta sa Luzon grid ang 100 MW Kalayaan 2 wind project sa lalawigan ng Laguna.

Ayon sa kumpanya, sinisikap nitong iugnay ang proyekto na ito sa San Juan 230-kilovolt (kV) substation ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) bilang paghahanda sa pagsisimula ng commercial operations nito sa 2026.


Ang pasilidad ay inaasahang matatapos sa loob ng 13 buwan mula sa konstruksyon.


Ang tinatayang gastos para sa transmission line ay nasa P382.78 milyon, samantalang ang pagbuo ng Kalayaan substation ay inaasahang mangangailangan ng P834.196 milyon.


Dagdag pa nila, sila ay naglalayong tumulong na tugunan ang mga karagdagang capacity na kinakailangan sa Luzon grid at matugunan ang pangangailangan ng kuryente habang sumusunod sa sustainability agenda ng Department of Energy (DOE) at nag-aambag sa mababang emission development strategy ng bansa.


Ang operasyon ng proyekto ay nakasalalay sa kung ang kumpanya ay nakakasiguro ng preliminary approval upang matuloy ang pagpapagawa nito, dahil ang pag-uugnay nito sa substation ay nakikita bilang isang mahalagang aspeto ng magiging katagumpayan nito.


Ang Kalayaan 1 wind power project na ilalatag sa mga bayan ng Pakil, Paete, and Kalayaan ay gagamit ng 17 wind turbines, at ang capacity nito ay ibebenta sa Wholesale Electricity Spot Market at sa pamamagitan ng bilateral supply agreements.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #ERC #DOE


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.