Pag-aaspalto ng kalsada sa Tayabas, sinimulan na
DPWH

Pag-aaspalto ng kalsada sa Tayabas, sinimulan na

Feb 12, 2026, 5:31 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paglalagay ng bagong aspalto sa kahabaan ng Lucban-Tayabas Road madaling-araw ng Miyerkules, February 4.

Partikular na inayos ang bahagi ng daan malapit sa tanggapan ng PrimeWater, ayon sa mga lokal na opisyal.


Pinili ng mga tauhan ng DPWH na simulan ang paglalatag ng aspalto sa madaling-araw upang hindi makaabala sa pang-araw-araw na biyahe papunta sa trabaho, paaralan, at iba pang destinasyon sa loob at labas ng lungsod.

Makikita na puspusan ang pag -arangkada ng makina tulad ng asphalt paver at mga manggagawang naka-safety gear na aktibong nagtatrabaho para matiyak ang kalidad ng pag-aayos.


Layunin ng mga proyekto ng DPWH sa Tayabas City na mapabuti ang kalagayan ng mga kalsada sa lungsod, repair ng mga bako-bako at mapahusay ang kaligtasan ng mga motorista at pasaherong dumadaan sa mga daanan ng Tayabas City.

Hinihikayat pa rin ang mga mamamayan ng Tayabas City na mag-ingat kapag dumadaan sa mga lugar na mayroong mga gawain sa kalsada at sundin ang mga babala o paalala mula sa mga tauhan ng DPWH.

Nauna nang inianunsyo ni District Engineer Ramonito S.M. Paz at Engr. Kenneth Lyle O'hagan Leonado-Head,Construction Division/Section DPWH Quezon 1st District Engineering Office (DEO) ang roadworks para sa asphalt overlay na isinasagawa sa bahagi ng Lucena–Tayabas–Lucban–Sampaloc–Mauban Port Road.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #DPWH #RoadWorks


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.