‘Padyak tungo sa kampeonato’
Sports/Games

‘Padyak tungo sa kampeonato’

Batang San Pedrense, wagi sa South Push Bike Race PH

Aug 12, 2026, 2:10 AM
Christian Magdaraog

Christian Magdaraog

Writer

Hindi hadlang ang murang edad ni Carwyn Lior Modino mula sa San Pedro City, Laguna upang mapatunayan na may mararating ang kahiligan niya sa pagbi-bisikleta.

Ito ay matapos hirangin siyang Overall Champion sa idinaos kamakailan na We the South Finals 2026 ng South Push Bike Race Philippines.


Nasungkit niya ang nasabing parangal dahil sa ipinamalas niyang husay para sa kategoryang 3-Year-Old All Girls, kung saan nanatiling nanguna ang batang push bike rider sa tatlong round ng matinding kompetisyon.


Labis na ipinagmamalaki ng lokal na pamahalaan ang nakamit na tagumpay ni Modino dahil sa dinala niyang karangalan para sa lungsod.


Sunod na matutunghayan ang batang San Pedrense sa paparating na Flying Park x Blaza Cup International Pushback Race ngayong Oktubre 9–12, upang sumabak sa panibagong hamon kalaban ang mga pambato mula sa iba’t-ibang bansa.


Nakatakdang isagawa ito sa Philippine Arena, Bulacan kung saan inaasahang lalahukan ng mga talentadong push back rider mula sa Taiwan, Thailand, Japan, at iba pa.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.