PAALAM, Superstar.
Celebrity Deaths

PAALAM, Superstar.

Apr 23, 2025, 8:06 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Muling ipinamalas ng "leaf artist" ng Binan City, Laguna na si Mary Mae Dacanay ang kanyang talento, sa pagkakataon namang ito ay upang alalahanin ang "Superstar ng Pelikulang Pilipino" na si Nora Aunor.

Si Aunor, o Nora Cabaltera Villamayor sa tunay na buhay, ay pumanaw sa edad na 71 nitong nakaraang Miyerkules Santo, April 16. Sa loob ng halos anim na dekada, naging tanyag si Aunor sa kanyang husay bilang artista sa pelikula at telebisyon, maging sa kanyang pag-awit.

Kabilang sa mga natanggap niyang karangalan ay ang pagiging National Artist for Film and Broadcast Arts noong 2022, ang pinakamataas na karangalan na maaaring matanggap ng mga artistang Pilipino.

(Larawan mula sa Facebook page ni Mary Mae Dacanay)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #NoraAunor #LeafArt


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.