P8-M tulong pang-agrikultura, ipinamahagi sa Quezon photo DA RFO IV-A
Quezon

P8-M tulong pang-agrikultura, ipinamahagi sa Quezon

Oct 28, 2021, 9:28 AM
Jeanelle Abaricia

Jeanelle Abaricia

Writer

Namahagi ng ibat-ibang tulong ang DA IV-A sa mga magsasaka sa Ikatlong Distrito ng Quezon upang tulungan silang makabangon mula sa epekto ng ibat-ibang kalamidad tulad ng bagyo at maging ng Covid-19 na nagpahirap ng husto sa kanilang buhay.

UMABOT sa P8.246 milyon halaga ng tulong para sa mga magsasakang taga – Ikatlong Distrito ng Quezon ang ipinamahagi kamakailan ng Department of Agriculture–CALABARZON na pinangunahan ni OIC-Regional Executive Director Vilma Dimaculangan.

Kabilang sa mga ibinigay na tulong ang mga binhi ng inbred na palay, binhi ng sari-saring gulay, hybrid glutinous at GM hybrid na mais, mga baka at kalabaw.

Mayroon din na mga seedling tray, plant growth enhancer, insecticide, complete fertilizer, organikong pataba, UV plastic, black net at iba pa..

“Nagpapasalamat ako sa DA-4A, sa pangunguna ni Ma’am Vi at ni Congresswoman Aleta Suarez, para sa mga biyaya na ibinigay sa amin na mapapakinabangan ng mga miyembro. Tunay pong napakalaking tulong sa amin ng mga ipinamahagi lalo sa panahon ngayon,” ani Romando Samarita, pangulo ng Samahan ng Magsasaka ng Barangay Burgos.

“Ang ambisyon po namin ay palakasin ang agriculture dito sa Bundok Peninsula. Kaya kung anuman ang problema ninyo sa hanapbuhay ay nandito lang kami para lumapit sa DA para naman mabigyan kayo ng tulong,” sabi naman ni Congresswoman Suarez.

Samantala, nakatanggap naman ng solar powered irrigation system ang Grupong Magsasaka ng San Nicolas, wood vinegar facility para sa Glinoga Organic Farm, four-wheeled tractor para sa Samahang Magsasaka ng Nieva, at shredder machine para sa SIPAG Macalelon.

Tags: #DAregion4a #agrikultura#QuezonNews #QuezonProvince


More about Quezon

DOH eyeing to administer 1M vaccine doses in Calabarzon photo Quezonin

DOH eyeing to administer 1M vaccine doses in Calabarzon

a day ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2021 OpinYon News. All rights reserved.