Tinatayang ₱74,800 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng San Pedro City Police sa nasabing lungsod noong Miyerkules, February 25.
Kinilala ni P/Col. Jonar Yupio, Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ang naarestong suspek na si alyas “Mark,” 46-anyos at residente ng Barangay Laram ng nasabing lungsod.
Dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 11 gramo ang nakumpiska mula sa suspek, kasama ang buy-bust money at iba pang ebidensya.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban sa suspek para sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

