P374-k shabu, nasabat sa Alaminos
Arrest

P374-k shabu, nasabat sa Alaminos

Nov 11, 2025, 1:32 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Dalawang umano'y tulak ng iligal na droga ang nahulihan ng P300,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa isang operasyon sa Alaminos, Laguna nitong Martes, November 4.

Kinilala ng Alaminos Municipal Police Station ang dalawang suspek na sina alyas "Harold," 37 anyos, at alyas "Eger," 39 anyos, kapwa residente ng Lipa City, Batangas.


Nadakip ang dalawang suspek sa isang buy-bust operation na ikinasa ng Drug Enforcement Team ng Alaminos MPS sa Barangay Palma ng nasabing bayan.


Aabot sa 55 gramo ng hinihinalang shabu na may market value na P374,000 ang narekober mula sa dalawang suspek.


Nahulihan rin si alyas "Eger" ng isang kalibre .38 na revolver na may lamang tatlong bala.


Nakadetine na ang dalawang suspek sa Alaminos MPS Custodial Facility habang inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa kanila.


(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.