Umabot sa ₱24 milyong halaga ng mga interbensyon ang matagumpay na naipamahagi ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa pamamagitan ng National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (NUPAP) para sa taong 2025.
Kabilang sa mga naipagkaloob sa mga magsasaka ng CALABARZON ang iba’t ibang uri ng binhi ng gulay, prutas, ornamental plants, herbs, spices, organikong pataba, hydroponics growing kits, at hauling truck.
Nakapaloob din dito ang pagsasagawa ng mga training at techno demonstration upang mapalakas ang kaalaman at kasanayan ng mga benepisyaryo.
Dahil sa mga makabuluhang pagkilos, ginawaran ang NUPAP ng mga parangal tulad ng pinakamataas na pinagsamang rate ng physical at financial accomplishments, 100-percent physical accomplishment, at ikatlong pinakamataas na combined rate ng obligation at disbursement para sa mga target sa 2025.
Ayon kay NUPAP Regional Focal Person Felix Joselito Noceda, patuloy nilang pinagtutuunan ng pansin ang mga target at kinakailangang interbensyon upang matugunan ng kagawaran ang pangangailangan ng mga magsasaka, lalo na sa aspeto ng training na mahalaga para sa pagpapalakas ng kanilang kasanayan.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #DA #CALABARZONFarmers #NUPAP

