P22-M pinsala sa agrikultura, dulot ni 'Aghon'
Weather and Climate

P22-M pinsala sa agrikultura, dulot ni 'Aghon'

Jun 10, 2024, 2:30 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Umabot sa P22.8 milyon ang naging halaga ng pinsala sa agrikultura sa mga lalawigan ng Laguna at Quezon dahil sa bagyong "Aghon" na nanalasa nitong May 26.

Sa pagtaya ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center ng Department of Agriculture (DA), pinakamatinding tinamaan ang sektor ng agrikultura sa mga lalawigan ng Laguna at Quezon na dinaanan ng mata ng bagyo.

Umabot sa P10.87 milyon ang naging halaga ng pinsala sa mga "high-value" crops, habang P10.66 milyon naman ang naging halaga ng danyos sa mga palayan sa rehiyon.

Aabot naman sa P448,300 ang naging halaga ng pinsala sa livestock at poultry sa lalawigan ng Laguna kung saan 70 mga hayop ang naiulat na namatay dahil sa bagyo.

Ayon naman kay DA Assistant Secretary Arnel De Mesa, maglalaan ang ahensya ng P23.06 milyon sa 556 na mga magsasaka na naapektuhan ng bagyong "Aghon" sa mga rehiyon ng Calabarzon at Mimaropa.

#WeTakeAStand #OpinYon #DA #DRRM #Aghon


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.