PAGBILAO, Quezon- IBINALITA kamakailan ni DILG Undersecretary Martin Dino na naglaan na ang Local Water eUtilities Administration (LWUA) ng P 150 milyon para sa patubig ng walong barangay sa bayang ito.
Sinabi pa ni Dino na ipinaabot niya sa LWUA ang kagustuhan ng mga residente na mabigyan sila ng suplay ng malinis na maiinom na tubig dahil na rin sa pamamagitan at pakiusap ni Barangay Chairman Arnel Amandyng Barangay Iba.
“Si Kapitang Amandy ay parang langaw na lagi sa aking opisina at nagpa- follow up ng kanyang mga programa at proyektong pangkaunlaran at serbisyongpanlipunan, “ sabi ni Dino.
“Kaya naman hanga ako sa kanyang kasipagan at katapatan sa serbisyong kanyang ibinibigay sa mamamayan.Siya ang isang halimbawa ng lider na inyong maasahan lalo na sa panahong ito ng pandemya,” dagdag pa ni Dino.
Aniya, nangako na si LWUA Administrator Guiling Mamondiong nabibigyang solusyon na nila ang suliranin ng tubig kasabay ng paglalaan ng P150-M para sa proyekto.
Ang mga barangay na pangunahing makikinabang sa proyekto ayIla.Pulo,Iba.Pulo.,Silangang Malicboy, Kanlurang Malicboy,Ila.Palsabangon, Iba.Palsabangon, Binahaan at Pinagbayanan.