Panelo Said
Panelo said

P12-B assistance for hog farmers

Jun 25, 2021, 1:00 AM
Attorney Salvador Panelo

Attorney Salvador Panelo

Author

Counterpoint on IATF increases ceiling for deployment of health workers abroad, Estrella-Pantaleon Bridge now nearly complete, New LRT-2 stations to open this month, P12-B assistance for hog farmers, More Covid-19 supplies in MM’s suburbs and on Digong thumbs down face-to-face classes

(Compiled by OpinYon Researcher Inalou Facun, based on "Counterpoint" June 23, 2021 episode)

IATF increases ceiling for deployment of health workers abroad

"Iyon pong IATF, pinahaba yung deployment, kumbaga pinataas kasi may ceiling yung mga hired health care workers o kaya yung mga mission critical skills."

"Dati ho kasi, 5,000 lang ang puwede magtrabaho sa labas ng bansa. Ngayon tinaas na ho, ginawang 6,500."

"Pero iyon pong mga health workers na nasa ilalim ng government to government labor agreement ay hindi ho kasama yun, exempted ho sila from the adjusted ceiling. Alam niyo, ang pamahalaan natin nag-decide na ilimit talaga yung deployment ng mga health workers natin para merong maiiwan din na mga bilang ng mga medical workers na magbabantay naman sa mga sarili nating mga kababayan na may sakit."

Estrella-Pantaleon Bridge now nearly complete

"Alam niyo ba na malapit ng matapos iyong Estrella-Pantaleon Bridge?"

"Halos isang daang porsyentong kumpleto na ho ito yan po ang sabi ni Sec. Villar [DPWH] at ang perang ginamit dito ay hiniram natin sa China. Sa current progress rate po natin ay tiyak na ang pagbubukas nito pagdating ng Hulyo."

New LRT-2 stations to open this month

"Iyong dalawang istasyon ng LRT -2 sa Marikina at Antipolo ay bukas na at nagagamit na. Dalawa ang bagong istasyon, iyong isa sa Marikina sa Brgy. San Roque malapit sa Gil Fernando Avenue. At iyon naman pong Antipolo station nasa may Brgy. Mayamot, malapit sa isang mall sa Masinag at bukas na rin po."

"Kung manggagaling kayo ng Recto 30 piso ang pamasahe (single journey) at iyon naman pong stored value cards natin P28 papuntang Antipolo at P26 papuntang Marikina mula sa Recto at inaasahan na mapapabilis nito ang biyahe mula Maynila papuntang Marikina at Anitpolo."

P12-B assistance for hog farmers

"Iyon pong DBP, magla-launch po sila 12-B pautang ho ito para sa ating hog industry lalo’t higit kailangang mabigyan ng tulong an gating mga magbababoy."

"Sabi ho ni Presidente Emmanuel Herbosa ng DBP, yung lending program eh susuportahan po nito yung construction ng bio-secure big farms and equipment acquisition ang special credit facility (DBP swine repopulation, rehabilitation and recovery credit program) at susuportahan din po nito yung efforts ng Department of Agriculture."

More Covid-19 supplies in MM’s suburbs

"Si Congressman Fidel Nograles, iminumungkahi niya po na yung gobyerno natin eh kailangan naman daw eh yung supply ng bakuna sa mga community towns sa Rizal sa Bulacan, Laguna, Cavite. Kailangan dagdagan ang mga bakuna diyan kasi iyon daw pong mga bayan na malapit sa Metro Manila kung saan eh maraming nagtatrabaho dun aba eh kailangan mabakunahan."

"Ani Cong. Nograles, ang mabilis na vaccine rollouts eh mapapadali iyong pagbalik natin sa normal para iyong ating pangkalakalan maging malusog na muli."

Digong thumbs down face-to-face classes

"Ang sabi ho ng Department of Education, gusto na daw ng ibang mga magulang ang face-to-face classes. Eh kahit na gusto ninyo si Presidente Duterte ay ayaw at may katuwiran po si Presidente."

"Kahit ako ayaw ko mag face- to-face classes hangga’t hindi safe hangga’t walang herd immunity dapat huwag muna tayo mag face-to-face classes."


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.