Outdoing Duterte
Duterte

Outdoing Duterte

May 2, 2022, 4:51 AM
Rose De La Cruz

Rose De La Cruz

Writer/Columnist

Sa mga rallies at caravans pa lang, masasabi natin na ang walang dudang pagkapanalo ni VP Leni Robredo sa May 9 ay nakatakda na at malamang lalagpasan niya ang number of votes ni Pangulong Duterte noong 2016. Bakit kaniyo?

Makikita natin na hindi lamang malakas ang suportang nakukuha ni VP Leni sa mga youth, kundi sa napakalawak na segment ng Philippine society, saan man sulok ng kapuluan. Mula sa classes ABC and youth, ngayo’y nakakakuha na ng momentum si VP Leni mula sa classes D and E—kung ibibilang natin dito ang mga mahihirap na magsasaka at mangingisda at vendors—na naeenganyo ng mga anak na sina Aika, Trisha at Jillian.

Sa Google Trends April 28, si VP Leni ay naka score ng 57 percent laban sa survey frontrunner na si Marcos Jr. with 23 percent, Isko Moreno 10 percent, Manny Pacquiao, 7 percent at si Sen. Ping Lacson, 3 percent.

Sa vice- presidential aspirants naman, si Kiko Pangilinan ay naka score ng 42 percent; Sara Duterte, 40 percent, Senate President Tito Sotto, 11 percent, Cong. Walden Bello, 5 and Lito Atienza, 2 percent.

Sabihin natin ang Google Trends ay base sa mga searches at hindi official, pero this same Google Trends ang nag predict ng kalakasan ni Le Pen sa katatapos lang na halalan sa France, laban kay Macron. Siguro naman magandang indicator yun.

Youth vote

May story sa Philippine Star nung April 25 na kino quote ang isang 25 year old na si Bobby Yadao na na inspire sa rags-to-riches story ni Isko Moreno. Ngunit nagibang isip siya at ngayo’y sumusuporta na kay VP Leni after hearing her platforms and seeing his friends campaign for Leni sa rally.

Ika niya: “I was inspired by the event. ‘What could have motivated at least 137,000 people to attend the rally?’ I asked after seeing photos of the event online. Si Yadao na employed sa isang laundry shop ay isa lamang sa libo libong nagsi switch na ngayon kay VP Leni.

Hindi siya nababahala sa mga opinion polls na nagpapakita na si Marcos Jr. ay nangunguna at si VP naman ay malayong pangalawa, bagamat ang ratings niya ay patuloy sa pagtaas.

Kamakailan lang sa rally ni VP sa Pampanga, may 200,000 supporters ang nag attend (bagama’t pilit na pinabababa ng mga kingpin ng lugar sa mga pulis) na bailiwick ni dating President GMA who endorsed Marcos and Sara Duterte,

Youth voters

Sabi ng mga analysts na ang mga youth voters, who made up over 50 percent of registered voters, are unlikely to be swayed by the endorsements of local politicians.

“I do not consider Pampanga a bailiwick of Arroyo or any of the politicians out there,” said Wenry Manaloto Basa, one of the thousands of youngsters who joined Robredo’s Pampanga rally.

“We’re not going to let any local politician dictate who we should vote for. We are tired of dynasties. We will vote for someone who we think will help not just our province and our Cabalens but all Filipinos,” sabi niya.
“There is no Solid North,” supporters shouted at Robredo’s recent rally in La Union province in the country’s north, which is part of the regional bloc known for supporting the late dictator’s family.

“I joined the rally to prove that there is no Solid North,” Bret Jarod Sean Ordoño, 22, one of the thousands of youngsters who joined the event, said. This student from UP joined the La Union rally with his friends from Baguio, Ilocos Sur and Ilocos Norte, which are considered part of the pro-Marcos regional bloc.

“The so-called unity dubbed as Solid North is a hoax,” he said, noting that his ancestors had fought to prevent the return of the Marcoses to power. “It is used to gain the bandwagon voters.”

Sabi ni Yadao, isang trabahador sa laundry shop, siya ay bumoboto hind isa basehan ng opinion polls pero sa plataporma at track record ng kandidato.

“Poll results can still change,” ika niya.

May kasabihang “it ain’t over until it’s over.” Ang resulta ay malalaman sa May 9 pa. So for now, kalokohan lahat yang mga surveys at exit polls—mindsetting lang lahat yan.

Drawing power ng mga rallies

Makikita sa lahat ng mga rallies ni VP Leni na lahat ng klaseng balakid ang ginagawa ng mga LGUs supporting Marcos Jr. para hindi makapunta ang mga supporters niya. Ngunit lagi silang bigo at nganga lang.

Palaki nang palaki ang mga rally ni VP Leni—all powered by volunteerism at tibay ng puso—at ito’y pabonggahan ng mga placards, giveaways, pagkain, tubig at marami pang iba. Pabonggahan din ang mga stage designs, mga lighting, mga fireworks at celebrities na magpe perform kaya nga ang sabi ng mga kalaban ay pumupunta lang ang mga tao dahil sa mga celebrities. Pero bakit ganun, paglalabas na si Leni at Kiko doon malakas ang palakpak at salubong kaysa dun sa mga performers. Hindi ba ironic yun?

At dahil palaging final act ang speech ni VP Leni, ang mga tao’y di umaalis hanggat matapos ang buong programa (na usually ay concert ng RiverMaya o Ben & Ben, mga sikat na bandang Pilipino na inimbita na magperform ng may bayad sa kampo ni Marcos ngunit di nila tinatanggap kasi may prinsipyo sila at sinasabi pa nilang ‘di kami bayad sa rally ni Leni,” tulad ng sigaw ng mga supporters. Samantalang marami akong napapanood na video ng mga kampanya ni Marcos Jr., na sa kalagitnaan ng speech ni Sara o Marcos Jr. ay nagaalisan na ang mga tao, kaya’t binabarahan na ang lahat ng mga rally upang hindi mawalan ng audience. At isa pa, bawal ang drone shots sa mga kampanya ni Marcos Jr. samantalang ang lahat ng rallies ni VP Leni ay marami ang kumukuha ng drone shots, kaya’t madaling pabulaanan ang mga deliberate na pagbababa ng audience size ng mga pulis.

Isa pang kapuna puna, ang mga volunteers at mismong mga taong nag aattend ay siyang nagdadala ng mga pagkain at tubig na shineshare sa lahat ng warm bodies doon. Kapansin pansin din na sobrang dami ng mga doctors onhand para asikasuhin ang mga nangangailangan ng medical attention sa mga supporters. Sigaw lang ng medic, ayan na agad. Lahat ito ay boluntaryo. Kaya ba niya ito?

House to house campaigns

Nitong mga nakaraang lingo at hanggang sa Sunday bago ang election, napakarami ang nagbo volunteer mag house to house para kay Leni-Kiko—artista, ordinaryong tao, estudyante, madre, pare at iba iba pang mga di inaasahang mga tumutulong ay nariyan din upang mangampanya para kay VP at Sen. Kiko. Tuloy pati ang mga anak ni VP ay pineperwisyo ng mga inggit sa kanila.

May mga choreographed flash dance sa kalye at public spaces at may mga umaawit sa mga dumadaang sasakyan. Napakasaya ng mga nagpe perform dito.

Mabuhay ang ating bayan, kung ganito lahat ang spirit ng pagasa ay di siguro tutungo nga tayo sa magandang kinabukasan.


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.