Ospital: Walang mpox sa Calamba City
Public Health

Ospital: Walang mpox sa Calamba City

Sep 16, 2024, 3:03 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Wala pang kumpirmadong kaso ng mpox sa Laguna province.

Ito ang pagtitiyak ng isang ospital sa Calamba City, Laguna matapos kumalat sa social media ang mga bali-balita ukol sa umano'y suspected na kaso ng mpox sa naturang pasilidad.

Sa isang abiso sa social media noong Martes, September 10, sinabi ng Calamba Doctors' Hospital na ang naturang pasyente na nagpakonsulta sa naturang ospital ay na-diagnose na may bullous impetigo, isang hindi pangkaraniwang impeksyon sa balat na dulot ng Staphylococcus aureus bacteria.

Karaniwang sintomas ng bullous impetigo ay mga butlig sa balat malapit sa mga skin folds gaya ng sa pagitan ng daliri at mga maseselang bahagi ng katawan.

Karaniwang tinatamaan ng naturang mga sakit ay mga sanggol at mga batang edad lima pababa, ngunit maaari rin itong maka-apekto sa mga matatanda.

"After a confirmatory test conducted at the Research Institute for Tropical Medicine (RITM), the diagnosis was Bullous Impetigo, a bacterial skin infection," ayon sa ospital.

"We assure the public that Calamba Doctors' Hospital is safe, and there are no mpox cases currently diagnosed or admitted here. We encourage everyone to disregard false and malicious rumors about this matter and share them in social media," dagdag pa nito.

Matatandaang nitong nakaraang Agosto ay kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang kauna-unahang kaso ng mpox sa Calabarzon, gayong hindi sinabi ng ahensya kung saang lugar nakatira ang pasyente.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #CalambaCity #MPoxStatus #DOH #RITM


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.