Sinimulan na ang operasyon ng Coco Sap Processing Facility sa Tagkawayan, Quezon na magbibigay ng kabuhayan sa dang-sdaang magsasaka.
TAGKAWAYAN, Quezon - Nagsimula nang mag-operate ang 143 metro kwadradong Coco Sap Processing Facility sa Barangay Bamban ng bayang ito kamakailan.
Ang pasilidad na ito, na nagkakahalaga ng P3 milyon, ay pinondohan ng DA-Bureau of Agricultural Research (DA-BAR) upang mapakinabangan ng mga magsasakang malapit sa lugar.
Ayon sa pahayag ng Municipal Agriculture Office, ang Coco Sap Facility ng Tagkawayan ay pangatlo sa naitayong planta sa buong lalawigan ng Quezon.
“Ang asukal na mula ay Coco Sap Processing Facility ay medyo maputi kumpara sa ibang produkto ng ibang planta ng asukal, organik at pinong-pino,” dagdag na pahayag ng Agricultural Office.
Ayon sa Tagkawayan Vendors Multi-Purpose Cooperative (TVMPC), tagapamahala ng nasabing proyekto, pagsisikapan ng kooperatiba na mapalago ang produksyon para sa kapakanan ng mas marami pang magsasaka na mabibigyan ng trabaho sa hinaharap dahil sa proyekto.
Pormal na pinasinayaan ng lokal na pamahalaan ng bayang ito ang bagong Coco Sap Processing Facility noong Disyembre 7, 2021.
Tags: #tagkawayanquezon, #opinyonnews, #quezonprovince