Online sex ring, bistado
Sexual Trafficking

Online sex ring, bistado

Jul 20, 2026, 3:38 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Narito ang isa pang dahilan kung bakit kailangang bantayan ng mga magulang ang online activity ng kani-kanilang mga anak.

Sa isang ulat, sinabi ng Laguna Provincial Information Office (PIO) ang pagkakadiskubre umano nila ng isang Facebook group na nambubugaw umano ng mga kababaihan sa lalawigan.


Ibinahagi ni Laguna Governor Sol Aragones sa isang Facebook reel na isang kasapi ng "Laguna Youth Patrollers," isang grupo ng mga kabataang civic volunteer sa lalawigan ng Laguna, ang nakadiskubre ng nasabing Facebook group.


May mga ibinabahagi umano ang nasabing page na mga larawan ng mga babae na ibinubugaw umano sa halagang P2,000 hanggang P10,000.


Ilan umano sa mga biktima at target ng nasabing page ay mga menor-de-edad, dagdag pa ng gobernadora.


Ayon sa isang nakausap na biktima na 16 anyos pa lamang, napilitan umano siyang ibenta ang sariling laman dahil sa hirap ng buhay.


Inireport na aniya sa Philippine National Police (PNP) ang nasabing page, habang hinikayat ni Aragones ang publiko na maging mapagmatyag at agad iulat ang mga kahina-hinalang Facebook page at group na nambibiktima ng mga kabataan sa lalawigan.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.