Online sabong operators, arestado sa Lucena
Quezon

Online sabong operators, arestado sa Lucena

May 18, 2021, 11:10 AM
Jake Vinz

Jake Vinz

Writer

Ayon sa Lucena City Police, nahuli ang mga nasabing mga suspek sa kilos ng pagtaya sa bawat isa sa kanilang mga cellphone sa pamamagitan ng online na pagsusugal na sabong.

HULI sa akto ang 13 indibidwal na nagpapatakbo umano ng iligal na online sabong sa isang raid na isinagawa ng pulisya sa Lucena City kamakailan.

Isinagawa ang naturang raid matapos magreklamo ang ilang concerned citizen tungkol sa umano’y pagpapatakbo ng online sabong operations sa isang bahay sa Juarez St., Barangay 5 ng nasabing lungsod.

Nasamsam mula sa mga suspek ang anim na cellphone at perang pampusta na aabot sa P1,600.

Ayon sa Lucena City Police, nahuli ang mga nasabing suspek sa kilos ng pagtaya sa bawat isa sa kanilang mga cellphone sa pamamagitan ng online na pagsusugal na sabong.

Ang mga nahuli ay nasa ng Lucena City Police Station at kinasuhan ng Paglabag sa Presidential Decree No 1602.

Naglabas kamakailan ng pahayag ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na dalawang kumpanya lamang – ang Lucky 8 Starguest at Belvedere Corp. – ang pinapayagang magsagawa ng online sabong operations sa bansa. (JV, OpinYon Quezonin)

Tags: #OpinYonQuezonin, #LucenaCity, #onlinesabong, #PhilippineNationalPolice


More about Quezon

Death In The News

Death In The News

4 days ago

LANDSLIDE

LANDSLIDE

2 weeks ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2023 OpinYon News. All rights reserved.