Nuisance candidates sa Laguna, na-disqualify
COMELEC

Nuisance candidates sa Laguna, na-disqualify

Dec 17, 2024, 5:51 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

"Karma is real." Ito na lamang ang nasabi ni Laguna Governor Ramil Hernandez matapos ma-disqualify ang dalawang umano'y "nuisance candidates" na tumatakbo sa pagka-kongresista sa lalawigan.

Sa inilabas na desisyon ng Second Division ng Commission on Elections (Comelec) kamakailan, idineklarang "nuisance candidates" sina Dante "Romeo" Hernandez at Winy "Ram" Hernandez, na parehong tumatakbo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng lalawigan.

Dahil dito ay kinansela na ng Comelec ang kanilang certificates of candidacy (COC), na nangangahulugang hindi na sila kikilalanin bilang mga kandidato para sa darating na May 2025 miterm elections.


Nauna nang pumalag ang kampo ni Governor Hernandez, na tumatakbo rin bilang 2nd district representative, sa pagkakasama ng dalawa sa listahan ng mga opisyal na kandidato.

Ayon sa kanya, sa sobrang pagkakapareho ng mga palayaw nila sa pangalan ni Hernandez ay baka magkaroon ng kalituhan sa mga botante.

Nagpahayag na rin si Governor Hernandez na balak niyang sampahan ng kaukulang kaso ang dalawang "nuisance candidates" dahil sa kanilang pagtatangkang "gulohin ang halalan at litohin ang taong bayan."

"Hindi kayang hadlangan ng marumi nilang istilo ang malinis nating hangarin na magkapaglingkod bilang congressman ng ikalawang distrito ng Laguna," deklarasyon ng alkalde sa kanyang Facebook page.

Hindi ito ang unang pagkakataon sa lalawigan ng Laguna na may tumakbong "kapangalan" ng mga prominenteng kandidato sa lalawigan, na ayon sa ilang political analysts ay isang taktika na ginagamit ng mga magkatunggali sa pulitika upang linlangin ang mga botante.


#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #COMELEC #NuisanceCandidateinLaguna


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.