NBI, pumasok sa kaso ng ina at komadrona
NBI

NBI, pumasok sa kaso ng ina at komadrona

Aug 20, 2024, 2:28 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Isang ina ang muling nakapiling ang kambal na anak matapos mabawi sa kumadronang ilegal na umampon sa mga ito at humingi ng P350,000 para mabawi sa Biñan City, Laguna nitong nakaraang linggo.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, February 1, 2024 nang ipinanganak ng isang babae mula sa Quezon Province ang isang kambal sa San Pedro City, Laguna.

Subalit dahil ayaw ng biktima na malaman ng kanyang asawa na siya ay nabuntis ng ibang lalaki ay pinili nitong ipaampon ang kanyang anak sa kumadronang nagpaanak sa kanya kahit na ito ay ilegal.

“Ayaw niyang malaman ng kaniyang asawa kung ano talaga ang totoong nangyari sa kaniya, na nabuntis siya ng ibang lalaki. So na-exploit ‘yung vulnerability niya at napapayag siya sa ganitong scheme,” sabi ni Atty. Zack Balba, Executive Officer, NBI Quezon.

Pero matapos manganak, nagbago ang isip nito at ayaw nang ituloy ang pagpapaampon na siya namang tinanggihan ng kumadrona kung hindi siya babayaran ng P350,000.

Nagtulak ito sa ina ng kambal na magsumbong sa National Bureau of Investigation (NBI).

Nang mapag-alaman ang kinaroroonan ng mga bata ay agad nagsagawa ng rescure operation ang NBI sa isang bahay kung saan naroon nga ang kambal.

Dinakip ng NBI ang kumadrona na nag-alok ng illegal adoption scheme at muli nang nabawi ng ina ang kanyang mga anak.

Ayon kay Balba, higit anim na buwan nang hindi nakita ng ina ang kanyang mga anak.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.