NBI, iimbestigahan na rin ang anomalya sa TUPAD program sa QC photo from Rappler
Investigation

NBI, iimbestigahan na rin ang anomalya sa TUPAD program sa QC

Sep 14, 2021, 7:19 AM
Santiago Celario

Santiago Celario

Writer

Bukod sa kulang na ayuda na natanggap ng ilan sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced workers (TUPAD) sa Quezon City, hindi rin umano sila pinagtrabaho sa kanilang komunidad, sumbong ng mga residente.

SISIYATIN na rin ng National Bureau of Investigation ang umano’y anomalya sa pagbibigay ng ayuda sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program sa Quezon City.

Ito ang inihayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa ginanap na pulong sa Batasan Hills, Quezon City ngayong Martes (Setyembre 14).

Lumahok si Bello sa pulong na kinabibilangan ng mga benepisyaryo ng TUPAD program sa Quezon City na umano’y kinaltasan ng ayuda sa ilalim ng naturang programa.

Ayon kay Bello, bukod sa DOLE ay papasok na rin sa imbestigasyon ang NBI-Anti Human Trafficking Division upang kumuha ng statement ng mga nagrereklamong benepisyaryo.

Nagtataka aniya ang kalihim sa nadiskubre niya mula sa ilang benepisaryo na sa halip na P7,500ay P1,000 lamang ang natanggap.

Hindi rin umano nagtrabaho para maglinis at magwalis sa kalye ang mga nakatanggap ng ayuda na isang pamantayan ng pagbibigay ng ayuda sa ilalim ng TUPAD program.

“Ang tulong na ayuda ay dapat may trinabaho ka pero kung wala ka naman trinabaho wala kang dapat na asahan na ayuda,” pahayag ni Bello.

Sinabi naman ni DOLE NCR Director Sarah Buena Mirasol na sa kasalukuyan paunang hakbang na kanilang isasagawa sa pag-iimbestiga katulong ang NBI ay ang pagkuha ng statementsa mga residente ng Brgy. Batasan na nakatanggap ng “ginupit” na ayuda.

Itinanggi ni Kapitan Jojo Abad ng Barangay Batasan Hills na may kinalaman ang kanyang barangay sa naganap na anomalya.

Iginiit ng kapitan na hindi dumaan sa kanilang tanggapan ang ipinatupad na programa ng DOLE.

Tags: #DepartmentOfLaborandEmployment, #TUPADprogram, #QuezonCity, #anomalies


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.