Nalunod sa Laguna:  2
Death

Nalunod sa Laguna: 2

May 6, 2024, 7:17 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Stay hydrated - pero stay safe pa rin.

Dalawang insidente ng pagkalunod ang naitala ng mga awtoridad sa lalawigan ng Laguna nitong Linggo, April 28.



Sa bayan ng Nagcarlan, nalunod ang isang 24-anyos na babae habang namamasyal sa Bunga Falls sa naturang bayan.


Dead on arrival sa ospital ang biktima na kinilalang si Rachel Egat Asestre, residente ng Crossing, Calamba City, Laguna.


Batay sa ulat ng Nagcarlan PNP, sumama ang biktima sa kanyang mga katrabaho sa isang outing sa Bunga Falls noong Linggo ng hapon.


Makalipas ang ilang sandali matapos silang lumusong sa tubig ay napansin umano nilang nawawala si Asestre kaya't agad nila itong hinanap sa tulong ng mga tanod ng barangay.


Natagpuan umano ang biktima sa malalim na parte ng falls at isinugod sa ospital ngunit hindi na rin ito umabot nang buhay.


Sa bayan naman ng Calauan, isang anim na taong gulang na batang lalaki ang nalunod sa isang resort sa Barangay Bangyas.


Sa ulat ng Calauan Municipal Police Station, kasama umano ni Sean Cartina, residente ng Barangay Masapang, Victoria, Laguna ang kanyang pamilya nang maganap ang insidente.


Ayon sa kanyang ama na si Christian, huli niyang nakita ang kanyang anak na lumalangoy sa children’s pool ng nasabing resort.


Makalipas ang ilang minuto ay nakita na lamang niya ang kanyang anak sa ilalim ng pool.


Kaagad isinugod sa Pagamutang Pangmasa ng Laguna sa bayan ng Bay ang biktima kung saan siya idineklarang dead on arrival.

#WeTakeAStand #OpinYon


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.