Naaksidenteng rider, nahulihan ng baril
Accidents

Naaksidenteng rider, nahulihan ng baril

May 4, 2026, 3:43 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Instant karma? Ito marahil ang naisip ng mga rumesponde sa isang naaksidenteng motorcycle rider na nahulihan ng baril sa Cabuyao City, Laguna noong Lunes, April 27.

Ayon sa ulat ng Cabuyao City Police Station, naganap ang nasabing self-accident sa bahagi ng National Highway sakop ng Barangay Banay-Banay bandang 3:45 ng madaling-araw ng Lunes.


Sa salaysay ng mga tanod ng Barangay Banay-Banay, nakita umano nila ang suspek na nakahandusay sa kalsada at may kalibre .45 na pistola malapit sa kanya.


Wala rin umanong nakitang anumang pagkakakilanlan o dokumento sa naturang rider na dinala agad sa Cabuyao City Hospital.


Bukod sa baril, narekober mula sa rider ang isang magazine na may lamang anim na bala at pera na aabot sa P7,285 ang halaga.


Nakipag-ugnayan na ang Cabuyao City police sa mga awtoridad sa kalapit na mga lungsod upang matukoy ang pagkakakilanlan ng rider, gayundin kung nasangkot na ito sa krimen at kung totoong sa kanya ang motorsiklo.

(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews



We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.