Isang suspek sa isang insidente ng pamamaril sa Biñan City, Laguna noong June 24 ang nadakip ng mga awtoridad sa kalapit na lungsod ng San Pedro nitong Martes, July 1.
Kinilala ng San Pedro City Police Station ang suspek na si alyas "Reynante," residente ng Southville 3A, Barangay San Antonio ng nasabing lungsod.
Si "Reynante" ay nadakip sa isang hot pursuit operation na isinagawa kasama ang Biñan City Police Station matapos ang isang insidente ng pamamaril sa isang 36-anyos na babae sa loob ng isang vulcanizing shop sa Barangay Canlalay, Biñan City, Laguna noong June 24.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang .38 kalibreng revolver na ginamit umano sa pamamaril, gayundin ang anim na piraso ng bala.
Nakakulong na sa San Pedro City Police Station si "Reynante" na nahaharap ngayon sa mga kasong murder at possession of illegal firearms.
(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews