Nahuli na ng mga awtoridad ang itinuturing na suspek sa insidente ng pamamaril sa Calamba City, Laguna noong nakaraang Marso.
Sa ulat ng Laguna Police Provincial Office, dinakip ng mga tauhan ng Laguna Provincial Special Operations Unit ang suspek na kinilalang si alyas "Borbe" sa Barangay Real, Calamba City, Laguna madaling-araw ng Huwebes, September 25.
Si "Borbe" ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na inilabas ni Judge Mary Grace Bonsol-Cabal ng Regional Trial Court Branch 35, Calamba City, Laguna noong August 4.
Siya ang itinuturing pangunahing suspek sa pagpatay sa isang alyas "Elmer," na pinagbabaril sa labas ng kanyang tahanan sa Barangay Uno, Calamba City noong March 24, 2025.
Bago ang kanyang pagkakahuli, itinuring si alyas "Borbe" bilang Most Wanted Person - Rank 2 (Regional Level) ng Calabarzon Police Regional Office.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pagpapalaya sa suspek, na ngayon ay nakadetine na sa Calamba City Police Station detention facility.
(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews