Mulanay LGU, namahagi ng baboy sa mga lugar na apektado ng ASF
Quezon

Mulanay LGU, namahagi ng baboy sa mga lugar na apektado ng ASF

Jun 28, 2021, 7:27 AM
Jeanelle Abaricia

Jeanelle Abaricia

Writer

Namahagi kamakailan ang pamahalaang lokal ng Mulanay, Quezon ng mga baboy sa mga barangay na nag-negatibo na sa African Swine Fever.

Sinimulan na nitong Sabado (Hunyo 26) ang pamamahagi ng pamahalaang lokal ng Mulanay, katuwang ang Department of Agriculture (DA), ng mga sentinel animal o baboy sa mga barangay na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF).

Unang nabigyan ng mga baboy ang mga barangay ng Ibabang Yuni, Patabog, Ilayang Yuni, Pakiing, at San Pedro.

Naunan nang sinertipikahan ng mga otoridad na ASF-free ang naturang mga barangay sa isinagawang environmental swabbing ng mga tauhan ng DA.

Bukod sa mga baboy, namahagi rin ang ahensya ng mga bitamina, supplement, feed at bakuna.

Magsasagawa naman ng lingguhang pagmomonitor ang Biosecurity Officer ng LGU Mulanay sa mga sentinel animals, gayundin ang pagsasagawa ng iba't ibang klase ng test, katulad ng fecal (7-12araw) at blood samples.

Ibinahagi sa oryentasyon para sa mga Biosecurity Standards na naglalayong magtakda ng mga health standards sa tamang pag-aalaga ng mga baboy upang maiwasan ang muling pagsiklab ng ASF sa nasabing lugar.

Isa ito sa requirements upang makapasa ang isang barangay sa gagawing assessment at rekomendasyon ng Provincial Government na maideklara ang isang komunidad bilang ASF-Free ng DA.

Tags: #OpinYonQuezonin, #MulanayQuezon, #AfricanSwineFever, #DepartmentOfAgriculture


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.