Mrs. Batangas Philippines winner na Tomasino, atbpa, pinarangalan
Pageants

Mrs. Batangas Philippines winner na Tomasino, atbpa, pinarangalan

Apr 2, 2024, 8:02 AM
Opinyon Batangas News Team

Opinyon Batangas News Team

Writer

STO TOMAS City, Batangas – Kasunod ng regular na pagtataas ng watawat sa pangunguna ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan kasama sila Vice Mayor Cathy Jaurigue-Perez, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, at mga kawani ng pamahalaan noong nakalipas na Lunes, ay binigyan ng parangal ang ilang kapuri-puring mga Tomasino.

Nanguna rito ay ang pagkilala kay Gng. Bernadette P. Valenzuela na nag-uwi ng titulo at korona sa katatapos lamang na Mrs. Batangas Philippines beauty pageant.

Nakopo rin ni Mrs. Valenzuela ang special award bilang best in long gown.

Kinilala din ang magigiting na mga kapulisan na naging bahagi ng anti-illegal drugs operation (buy bust) at manhunt operation against most wanted person.

Ang mga ito ay sina PSSG Robert Matienzo, PSSG Joven Sanque, PSMG Cipriano Manaig, PAT Jerickson Patricio, PAT Edwin Tabao, PCPL George Beronilla at PSSG John Malabuyoc.

Pinarangalan din ang mga kabataang Tomasino na nagwagi sa mga sumusunod na patimpalak:

• Roja Julianne Z. Pablo - 2nd Place in the Column Writing of the Regional School Press Conference

• Jon Raphael Dimaculangan - 2nd Place in the Copy Reading of the Regional School Press Conference

• Joannah Marie G. Katigbak - 3rd Place in the Editorial Writing English (Secondary) of the Regional School Press Conference

• Mackenzie Rain Gabuya - 5th Place in the Science & Technology Writing of the Regional School Press Conference

Sa mensaheng ibinahagi ni City Councilor Arturo "Mr. Cow" Pecaña ay kanyang pinasalamatan ang Poong Maykapal sa pagbibigay sa kanya ng ng pagkakataon na maging isang lingkod bayan at binigyan papuri ang mga naguwi ng karangalan sa lungsod.

"Napaka-palad ko po na makapag-lingkod sa ating lungsod, kung saan ang lahat ay nagkakaisa, nagmamahalan, kaya asahan po ninyo na patuloy tayong maglilingkod ng may ngiti at kabutihan, kung may pagkakamali ay atin pong itatama. Tayo po ay maging bukas palad sa lahat ng pagkakataon at asahan niyo ang aking pagtulong sa abot po ng ating makakayan."

#WeTakeAStand #OpinYon #MrsBatangas2024


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.