Motorista, nahulihan ng baril at droga
Arrest

Motorista, nahulihan ng baril at droga

Jan 28, 2026, 3:09 AM
OpinYon News Team

OpinYon News Team

News Reporter

Diretso sa kulungan ang isang motorcycle rider matapos siyang mahulihan ng baril at hinihinalang shabu sa isang checkpoint sa Nagcarlan, Laguna noong Martes, January 20.

Unang sinita ang suspek na si alyas "Arnold," 29 anyos at residente ng Calamba City, Laguna, pagdaan niya sa isang checkpoint sa Barangay Wakat, Nagcarlan, Laguna dahil sa hindi niya pagsuot ng helmet.


Habang pababa ang suspek sa kanyang motorsiklo, napansin ng mga pulis ang isang baril sa loob ng kanyang jacket, na naging dahilan ng kanyang kagyat na pagkakaaresto.


Nabawi mula sa suspek ang isang kalibre .22 na baril, isang magazine, at limang bala.


Sa paghahalungkat ng mga pulis sa handbag ni "Arnold" ay nakumpiska rin ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang market value na P6,800.


Kaagad dinala sa Nagcarlan Municipal Police Station detention facility ang suspek na nahaharap sa patong-patong na mga kaso.


(Ulat mula sa Regional Public Information Office, PRO 4)

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.